Wednesday, February 16, 2011

Tropang Sikat, Inggit Lahat


“Sa dinami- dami ng tao sa mundo, nakilala ko sila at naging mabuting magkakaibigan. Kahit na magkakaiba ang personalidad, patuloy pa rin ang pagsasamahan hanggang sa huli.”
Ika-23 ng Oktubre, 2008. Pagkatapos ng periodical examination naming, nagkayayaan kaming magkakaibigan (Joanna, Lykka, Sam, Shelo, Kristelle Kimberly at ako) na pumunta sa Sampaloc Lake. Nagbisikleta kami sa palibot nito. Nasiraan pa nga ako ng kadena sa bisikleta at ipinaayos kay Joanna. Naging masaya kami sa araw na iyon. Pumunt pa kami sa Patio Verde upang mananghalian. Habang kumakain, naisip namin na gumawa ng pangalan ng grupo. Biglang may nakaisip ng Tropang Sikat, Inggit Lahat at para paikliin, T.S.I.L.
Nagdagdag pa kami ng dalawa pang miyembro. Sila ay sina Justine at Khryss. Sila ay malalapit rin naming kaibigan kaya isinama namin sila sa grupo.
Ngayon ay dalawang taon, tatlong buwan at labingsiyam na araw na kami. Masaya pa rin kami sa isa’t- isa at nagtutulungan sa mga problema. Kahit na watak- watak kami minsan, ipinagdiriwang pa rin namin ang aming grupo tuwing ika- 23 ng buwan. Nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakilala ko sila at naging mga kaibigan. Naging totoo sila sa akin at nagiging balikat sa mga suliranin. Handa silang magpasaya ano mang oras at hinding- hindi ka iiwanan. Buti na lamang at nariyan sila palagi sa tabi ko tuwing nalulungkot ako. Kapag may problema ang isang miyembro sa isa pa, inaayos naming kaagad upang hindi kami magkagalit- galit.  
Sana ay tumagal pa ang samahan naming kahit sa oras na magkahiwa- hiwalay na kami ng paaralan. Iyan ang T.S.I.L. Ang grupo ng magkakaibigan na hindi ko malilimutan.

No comments:

Post a Comment