Wednesday, February 16, 2011

Percy Jackson and the Olympians: The Lightning Thief



Si Percy Jackson, labingpitong taong gulang, ay isang ‘di ordinaryong lalaki. Nakakatagal siya sa ilalim ng tubig ng mahabang oras. Sa kabila nito, hindi niya alam ang tunay niyang pagkatao. Si Grover Underwood ay isa sa malalapit niyang kaibigan na lagi niya itong kinakasama.
Sa klase nila, hindi makabasa nang ayos si Percy dahil ang nakikita niya ay sumasalin sa griyegong salita. Pagkauwi niya ay sinabi niya sa kanyang ina na si Sally na hindi nakakatulong ang pagpasok niya sa eskwelahan. May sakit siya na dyslexia. Ang ibig-sabihin
Sa isang school trip sa isang museo, si Percy ay inatake ng isang fury na hinihingi ang lightning bolt. Nilabanan ito ni Grover at ng guro na si Mr. Brunner. Nang nalaman ni Brunner ang dahilan kung bakit inatake si Percy ay binigyan siya nito ng ballpen na nagiging espada. Maaari niya itong gamitin sa pakikipaglaban. Sinabi rin niya na pumunta sina Percy sa cpara sa pag-eensayo niya sa pakikipaglaban.Kinagabihan, isinama niya si Grover at ang kanyang ina para pumunta sa sinabi ni Mr. Brunner. Ngunit nang nasa daan na sila ay inatake sila ng minotaur. Hinabol sila hanggang sa pasukan sa Camp Half- Blood. Hindi nakapasok si Sally dito sa kadahilanang hindi siya kabilang sa mga taong demigods. Kaya naman nakuha siya ng minotaur at nawala sa pamamagitan ng buhangin. Nilabanan ito ni Percy gamit ang ball pen na naging espada. Binalibag lamang ng minotaur si Percy at siya ay nahimatay at ito ay umalis na.
Tatlong araw ang nakaraan nang nagising si Percy na hinahanap ang kanyang ina. Nalaman niya na anak pala siya ni Poseidon, ang  Diyos ng Karagatan. Si Grover pala ay ang kanyang tagapagligtas at isang kalahating tao- kalahating kambing. Si Mr. Brunner naman ay ang centaur Chiron. Nalaman rin niya na nawawala ang lightning bolt sa kaitaasan at inaakusahan si Percy bilang magnanakaw. Kung hindi maibabalik ni Percy ang bolt sa Mount Olympus bago ang susunod na summer solstice, magkakagulo sa kanila at magkakaaway ang mga Diyos.
Minungkahi ni Chiron kay Percy na pumunta sa Mount Olympus at sabihin na wala siyang kasalanan. Sinimulan na niya ang pagsasanay sa pakikipaglaban gamit ang kapangyarihan ng mga demigod at ang paggamit ng tubig. Nakalaban niya ang kampo ni Annabeth Chase, anak ni Athena. Tinulungan siya ni Luke Castellan na anak ni Hermes. Nanalo ang grupo nina Percy at sila ay nagdiwang sa isang camp fire.
Habang nagkakasiyahan, biglang lumabas ang tiyuhin ni Percy na si Hades. Ipinakita niyang buhay pa si Sally at makakabalik lamang siya ng ligtas kung isasauli na ni Percy ang lightning bolt. Sinabi ni Chiron na huwag na siyang tumuloy . Ngunit sa determinasyon na makitang muli ang kanyang ina, sinaway niya si Chiron. Sumama si Annabeth at Grover sa kanya upang tumulong. Pumunta muna sila kay Luke upang humingi ng mapa kung paano makakapunta sa Underworld. Ang pagkuha ng perlas sa isang lumang hardin ay makakatulong para sa pagkuha ng iba pang direksyon papunta sa Underworld. Ibinigay rin ni Luke ang lumang kalasag at ang sapatos na may pakpak na itinakas niya mula sa kanyang ama.
Nang dumating sina Percy sa lumang hardin, nakita nila na maraming mga istatwa ng tao. Naghiwa- hiwalay sila upang madaling makita ang unang perlas. May nakita si Annabeth na matandang babae na  takot na takot. Nakakita daw siya ng isang babae na aha sang buhok. Alam na kaagad ni Annabeth na si Medusa ang kanyang tinutukoy. Kapag tiningnan mo ang kanyang mga mata, magiging bato ka. Ganoon ang nangyari sa matanda habang hawak- hawak si Annabeth. Buti na lamang at dumating si Percy at naagaw ang atensyon ni Medusa. Tinitingnan siya ni Percy sa pamamagitan ng kanyang cell phone para hindi siya maging bato. Nang nakaalpasnsi Annabeth sa kamang ng batong matanda sa tulong ni Grover, sumakay kaagad sila sa kotse at saka hinanap si Percy. Wala na silang pakialam kung masira man ang mga taong bato doon. Pinugutan ng ulo ni Percy si Medusa. Kahit na patay siya ay gumagana pa rin ang kanyang kapangyarihan kaya naman nilagyan nila ito ng shades at dinala ang ulo para magamit sa iba pang pakikipaglaban.
Nakuha nila ang perlas kay Medusa. Lumabas sa mapa ang susunod na destinasyon at ito any ang Parthenon sa Nashville. Tumigil muna sila sa isang inn para mamahinga. Napanood nila sa balita na ini-interview ng mga pulis ang stepfather ni Percy na si Gabe Ugliano. Sabi niya na kaya nawawala si Sally ay kinidnap siya ni Percy. Nadismaya lamang si Percy kaya piñata na lamang niya ang telebisyon. Nang papasok na si Grover sa banyo ay nakita niya sa loob ang ulo ni Medusa. Itinaas niya ito ngunit nakita siya ng isang empleyado sa inn at sumigaw. Umalis na sila kaagad doon bago pa sila mahuli ng mga pulis.
Pumunta na sila sa Nashville para sa ikalawang perlas. Nakita nila ito sa may noo ng rebulto ni Athena. Nagpagabi muna sila para hindi Makita ng maraming tao. Ginamit ni Percy ang sapatos na may pakpak at nilipad ang perlas. Nang nakuha na niya, may dumating na tatlong matitipunong lalaki. Akala nila ay guwardiya lamang sila ngunit bigla silang naging isang hydra. Sa una ay tatlong pa lamang ang ulo pero nang pinugutan ni Percy ito ay dumoble pa ang mga ulo. Buti na lamang at dala nila ang ulo ni Medusa at tinanggal ni Grover ang shades nito at saka naging bato ang hydra. Umalis na sila na sala ang pangalawang perlas.
Lumabas sa mapa ay ang Lotus Casino sa Las Vegas. Pumunta sila kaagad doon at nakita ang marangyang casino. Mahirap hanapin dito ang perlas sapagkat napakaraming bagay dito na katulad ng perlas na hinahanap nila. Dagdag pa ang maraming tao na naglalaro. Nakita sila ng mga babae na namimigay ng lotus flowers para kainin. Nagustuhan nila ito at lagi na nilang kinakain. Nagtagal sila sa ng ilang araw sa casino at nalimutan na nila kung bakit sila naroroon. Nagliwaliw sila hanggang sa magkaroon na ng malay si Percy sa kanyang ginagawa. Tinawag na niya ang dalawa para umalis dahil nakita na niya ang perlas. Nakipaglaban muna sila sa mga tao doon na pinipigilan silang umalis. Kinuha nila ang kotse sa casino at tumakas palayo.
Lumitaw sa mapa ang Hollowood kung saan naroroon na ang Underworld. Pumasok na sila at nakita si Hades at Persephone kasama ang kanyang ina. Hinahanap ni Hades ang lightning bolt ngunit hindi talaga alam ni Percy kung nasaan iyon. Naglaban sila at hindi inaasahang nahulog ang kalasag ni Percy. Nasira ito at lumabas doon ang lightning bolt. Ang totoo palang magnanakaw ay si Luke dahil sa kanya nanggaling ang kalasag na iyon!  Pinatulog ni Persephone si Hades at pinaalis na niya sina Percy. Kaya lamang, tatatlo ang perlas kaya tatlo rin lang ang makakaalis doon. Nagtalo pa sila pero sa huli ay si Grover na ang nagpaiwan dahil sinabi niya na tagapagligtas siya ni Percy at kailangan na makauwi silang lahat. Umalis na sina Annabeth, Percy, at ang kanyang ina.
Bago maibalik ni Percy ang lightning bolt kay Zeus, naglaban muna sila ni Luke. Palaging sinasabi ni Luke na hindi anank ni Poseidon si Percy kaya ipinakita ni Percy ang kanyang kapangyarihan at natalo niya si Luke. Pumunta na siya sa Mount Olympians ay isinauli kay Zeus ang bolt. Kinausap siya ni Poseidon at saka siya umalis.
Sa huli ay nag-eensayo pa rin si Percy sa pakikipaglaban. Nakabalik na rin si Grover sa lupa sa tulong ni Persephone.  Naging  magaling na mandirigma si Percy at Masaya kapiling ang kanyang mga kasama.

No comments:

Post a Comment