Sunday, February 27, 2011

Ang Aking Talambuhay

Ika- 9 ng Agosto, taong 1996, isinilang ako sa pangalang Marian Carmella B. Calanasan. Ipinanganak ako sa San Pablo City. Ang mga magulang ko ay sina Vladimir A. Calanasan at Marife B. Calanasan. Sabi ni mama, ako raw ang pinakamaliit na sanggol sa mga kasabayan ko sa ospital. Biruin mo, 5.14 pounds lang ako noon at 48 cm ang haba.
ako at si kuya!
Lumaki ako sa Tiaong, Quezon kasama ang lola ko. Naging kalaro ko si Eloiza na aking pinsan at syempre si kuya. Ngunit nang lumipat na kami dito sa San Pablo, ang lagi ko nang kalaro ay si kuya Agel na isa ko ring pinsan at ang mga bata sa aming subdibisyon. Payatot ako noon at laging lampa. Lagi akong nadadapa kapag kami ay naghahabulan kaya naman lagi rin akong umiiyak.
class picture: preparatory (ang unti namin noh?)
best academic award!
Gusto ko lahat nga ginagawa o nilalaro ni kuya, gagawin ko rin. Iyan tuloy, para akong lalaki sa paglalaro ng mga laruan niyang sundalo at lego. Pero nang pumasok na si kuya sa paaralan, gusto ko na ring pumasok. Naging kaklase ko siya dahil nagsaling- pusa ako. Pagka-graduate ni kuya ng kinder, inilipat ako ng paaralan dahil hindi maaaring maging kaklase ko ulit siya. Mabuti na lamang at pumayag ako. Nag-aral ako ng Preparatory sa Children’s Nook. Kami ang unang batch ng mga estudyante dahil babagong bukas pa lamang ang paaralan. Hindi ko malilimutan ang birthday ko dito dahil nasira ng kaklase ko ang design sa aking cake. Nagkamit rin ako ng mga karangalan sa pagsali sa mga pagligsahan tulad ng timpalak bigkasan.  Nagtapos ako sa eskwelahang iyon bilang Best Academic Award, ang pinakamataas na gantimpala.
field demo noong grade 1
costume noong nagsayaw kami sa parada
Pumasok ako sa San Pablo City Central School mula una hanggang anim na baitang. Noong grade 1, napabilang ako sa pinakamataas na section. Ako ang laging unang dumarating sa aming magkakaklase. Medyo madilim pa at sarado pa ang classroom. Nakaupo lang ako doon sa gilid at naghihintay. Kapag naman inihahatid ako ni papa, hindi siya makakaalis hangga’t natatanaw ko siya sa bintana. Kapag ako ay abala na, makikita kong wala na siya at saka iiyak. Mga isang buwan yata akong ganoon. Ngunit sa pagtagal ng panahon, nakakaya ko na ring mag-isa nang hindi umiiyak.
Noong Grade 2 naman ako, nagkaroon ng field trip ang paaralan. Hindi ako sumama at hanggang ngayon hindi ko pa rin matandaan kung bakit. Naging dancer ako ng paaralan para sa parada ng mga eskwelahan. Dito ko rin nasabi na hate ko ang Math dahil maraming mga numero at hindi ako makasabay sa aking mga kaklase. Nabibilang pa rin ako sa pinakamataas na section ngunit nang grade 3 na ako ay nagkaroon ng Fast Learner na section. Hindi na ako kabilang dito kaya ako ay Pilot A mula grade 3 hanggang grade 6.
Naalala ko noong grade 3 tuwing sasakit ang ulo ko, hindi na ako papasok sa hapon. Kaya naman si papa ang lagi kong pinapakuha ng gamit ko sa aming room para hindi ako makita ng guro ko. Sa Dizon High kasi nagtuturo si papa at doon rin ako kumakain ng tanghalian.
class picture: grade 4
 Sa grade 4 naman, hirap na hirap ako sa Science. Nakaroon pa nga ako ng mababang grado doon at pinatawag sina mama. Doon ko sinimulang pagbutihan dahil ayokong ipinatatawag ang aking magulang sa paaralan. Isa pa ay gusto ko ring matulad sa kuya ko na nagkakamit ng mga karangalan at sumasali sa mga paligsahan.
Grade 5 naman ay nagkaroon ako ng mabuting kaibigan. Siya ay si Genevieve. Noong Grade 3 ko pa siya kaklase. Ngunit nag-away kami ng dahil lamang sa hindi ko sinasadya na mabasag ang kanyang  proyekto sa Science. Ang lagi ko na tuloy kasama ay si Jana at si Rhenzel. Mabuti na lamang at nagkabati na kami ni Genevieve bago pa kami maging grade 6.
ako at si Genevieve
Sa taong iyon, sinulit ko na ang pagiging elementary dahil alam ko na magkakahiwa- hiwalay na kami. Nagkaroon kami ng filming ng balita. Kompetisyon iyon ng unang apat na section sa amin at kami ang nagwagi. Noong graduation, katabi ko si Genevieve. Masaya kami noon kahit alam naming huling araw na iyon ng grade 6. Nagtapos ako na isang achiever sa paaralang iyon.
class picture: grade 5
High school na. bagong kakilala, mga kaklase at kaibigan. Pumasok ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School kung saan nagtuturo sina mama at papa pati dito rin pumapasok si kuya. Nabibilang ako sa pinakamataas na section, ang Science curriculum. Unang araw, pagkapasok ko ay lalabing- lima lamang kami. Ngunit kinabukasan ay 35 na kami dahil may mga idinagdag mula sa section A. Bilang isang estudyante ng section na ito, kailangan na makakuha ng general average na 85. Kung hindi mo ito maaabot, matatanggal ka sa section na ito. Lalo na kung makakuha ka ng grado na mababa sa 80 sa anumang asignatura. Dito ko pinaghusayan ang aking pag-aaral. At nagkaroon naman ito ng magandang bunga. Naging first honor ako noong 1st grading. Nung una ay hindi ako makapaniwala dahil ang huli kong pagkamit ng pinakamataas na gantimpala ay noong Prep pa ako. Inilaban din ako sa Science Quiz Bee. Nagulat ako nang sinabi na ilalaban ako dahil nga sa karanasan ko noong grade 4. Ito ang pinakaunang paligsahan na sinalihan ko mula grade 1. Hindi kasi pinanlalaban ang Pilot A noon sa Central school. Sunud- sunod na ang mga paligsahan na nilabanan ko. Kabilang na dito ang MTAP- Metrobank Math Challenge. Kung gaano ako kainis sa Math noong grade 2, laking galling ko mula nang nag-aral ako dito. Hindi ko man akalain ay nasisiyahan ako dahil nananalo kami dito. Nabuo ang magkakaibigang MAKKASHERYSS kung saan kabilang ako, si Lykka, Shelo at Khryss. Kami-kami lagi ang magkakasama noon at laging nandiyan sa isa’t- isa. Nabuo rin ang T.S.I.L., nasa isa kong post ang tungkol doon.
2nd year class picture
Malaki ang pinagbago noong 2nd year na kami. Wala ngang natanggal sa section namin pero lumipat ng paaralan si Cathlyne at si Jhonna. Hindi na kami ang dating MAKKASHERYSS na laging magkakasama. Kami na lagi ni Shelo, si Lykka kina Joanna at si Khryss naman ay si Justine o si Kim ang laging kasama. Kahit na ganoon ay pinapahalagahan ko pa rin ang aming samahan.
Nagkaroon ulit ng paligsahan sa MTAP- Metrobank Math Challenge. Siyempre, hindi ko pinalampas ang pagkakataon. Pinagbutihan naming ang paglaban. Nag- review kami nang masinsinan. Nagbunga ito n gaming pagtatagumpay. Kaya lumaban kami sa Regional ng MTAP, kami ay nagpursigi dito at kami ay nanalo! Sayang at walang nNational. Pero ayos na rin iyon dahil isang malaking blessing na ito para sa akin.
Ngayong 3rd year ay marami na talagang nagbago. Hindi ko na nakakasama si Shelo. Sina Joanna, Sam, Kristelle at Lykka na ngayong ang aking mga kasama. Pero hindi ko pa nalilimutan ang mga pinagsamahan naming ni Shelo. Ewan ko kung bakit nga ba nagkaganito. Basta Masaya kami sa mga kaibigan naming ngayon ay ayos na. Hindi naman sa magkagalit kami ngayon. Nitong 3rd year  din ay marami ring nangyari. Lumaban ako sa Radio broadcasting sa Sta. Rosa at kami ay nanalo ng ikalawang pwesto. Isa ito sa mga hindi ko malilimutang pangyayari dahil marami akong nakilala at natutuhan dito. Isa pa ang Eco Tour namin. Marami rin akong nakalap na impormasyon tungkol sa research namin. Nilakbay rin namin ang napakatarik na bundok para lamang kumain kaya naman kami ay pagod na pagod. Sa kabila nito, naging masaya naman ito dahil kasama ko ang aking mga kaibigan.
Hawaiian Luan Party :)
Hindi ko rin malilimutan ang aming JS Prom na Hawaiian Theme. Ako ay emcee noon at nagkaroon kami ng magandang palabas. Naging masaya kami at nagkaroon ng magandang oras sa isa’t isa.

Natatakot rin ako na baka maraming matanggal sa amin ngayon. Bago na kasi ang sinusunod na memo. Dahil dito, nagsisikap pa rin kaming magkakaklase sa pag-aaral dahil ayaw rin naman naming magkahiwa- hiwalay. Kakaunti na nga kami, may matatanggal pa.

Isang taon na lamang ng pagsasakripisyo sa high school ay college na ako. Masasabi ko na marami na akong napagdaanan pero alam ko rin na mahirap ang college. Nais kong maging isang matagumpay na accountant baling araw. Hilig ko kasi ang Mathematics, (salamat sa mga karanasan ko). Gusto kong sumunod sa yakap ng Tita ko na isang matagumpay na tao ngayon sa Singapore. Pagsisikapan ko ang bawat pagdaraanan ko para lamang makamit ito. Hindi man ako ang pinakamatalinong tao sa mundo, pag-aaralan ko ang mga kailangan ko pang dapat malaman para sa ikauunlad ng aking sarili. Siyempre, hindi ko malilimutan ang aking mga karanasan, mga kaibigan, magulang at amg Diyos na laging gumagabay sa akin.


No comments:

Post a Comment