“Okay class, pinapaalala ko sa inyo na bukas na ipapasaang inyong proyakto sa astronomy. Class 159, maaari na kayong umuwi,” ang sabi ng guro kong si Mrs. Linda Candroid.
Isa siya sa mga paborito kong guro sa Dizon High. Hindi puwedeng hindi niya kami tatanungin tungkol sa mga ginagawa namin sa paaralan. Pati hindi niya kami pinapahirapan sa kanyang asignatura.
Ako nga pala si Alexander Chronos, isang 4th year na nag-aaral sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School. Isa ako sa mga kandidato para sa honors. Mahilig akong mag-eksperemento ng mga bagay-bagay at mahilig mag-imbento ng gamit.
Pagkaalis ni Mrs. Candroid, inayos ko na ang mga gamit ko at lumipad pauwi kasama ang mga kaibigan ko. Ika-labintatlong kaarawan kasi ng aking kapatid na si Maggie. Kaunti lamang ang kanyang mga kaibigan kaya minabuti ko na mag-imbita ng mga kaklase para masabing may bisita siya. Hindi kasi siya palakaibigan at lagi pang nag-iisa.
Nang umalis na ang mga bisita, sinimulan ko na ang proyekto ko. Alam ko na matagal na itong sinabi ngunit marami talaga akong sinalihan na activities sa paaralan noong mga nakaraang araw. Ang naisip ko ay isang Portal sa Mars. Paano kaya kung totoong may buhay doon? Kaya naman, inihanda ko na ang mga gagamitin ko. Napansin ko na pinapanood ako ni Maggie. Ngunit tuwing lilingon ako ay ina- activate lang niya ang kanyang invisibility ray. Siya lamang ang nakakagawa noon sa aming pamilya. Winalang- bahala ko na lamang ito at nagpatuloy sa aking Portal.
Sa wakas, natapos ko rin! Halos apat na oras na lamang ang tulog ko, pero ayos lang, puwede naming mag- recharge mamaya sa paaralan.
Pagpasok ko, marami nang nagkukwentuhan tungkol sa kanilang mga proyekto. Nang ipakita ko ang akin, namangha sila. Kahit simple lamang ito, masasabi ko na kakaiba ang gawa ko. Nang subukan na ang Portal sa Mars, nakita ang mga bagay na nasa planetang ito at may mga alien pa. hinagisan din ito ng papel upang ipakita talaga na isa itong pintuan papunta sa Mars. Nagpalakpakan ang lahat at nakakuha ako ng pinakamataas na marka.
“Alex, puwede iyan sa Science exhibit natin sa susunod na lunes. Kung ayos lamang sa iyo ay iwan mo na muna ito sa eskwelahan,” sabi ni Mrs. Candroid.
“Sige po, Ma’am!”
Tinakluban ko muna ito at tinanggalan muna ng enerhiya para wala sinuman ang makakagalaw.
Napapansin ko na iba ang ikinikilos ni Maggie. Lagi na siyang nagkukulong sa kwarto at malalim ang iniisip. Para siyang weirdo. Tuwing uuwi siya, lagi siyang may dalang libro na hindi ko maintindihan ang pamagat. Nahuhuli ko rin siya sa aking kwarto na may hinahanap. Ang parati niyang dahilan ay baka napasama lang daw ang kanyang mga papel sa aking mga gamit. Ang alam ko naman sa kanya, maingat sa gamit at hindi pabaya. Hindi ko alam sa kanya kung bakit siya ganoon. Gusto kong tanungin pero natatakot ako na baka mag- away lang kami.
Dumating na ang lunes. Marami na naming namangha sa aking proyekto. Pagkatapos ng exhibit, itinabi ko muna ito sa loob ng room. May ipinapagawa kasi si Mr. Brandon. Nagmamadali na ako kaya nalimutan ko nang i-lock ang room. Pagbalik ko, nawawala na yaong Portal ko! Sino naman kaya ang kukuha nito? Sinong magkakainteres doon? Sinabi ko kaagad kay Mrs. Candroid ang nangyari. Gamit ang laser beam ng paaralan, hinanap niya ito sa paligid ngunit talagang nawawala na ito. Laking lungkot ko noon. Pinaghirapan ko iyon at g=dahil lamang sa kapabayaan ay nawala ito ng parang bula.
Maaari kayang itinakas ito ni Dhrino na lagging naiinggit sa akin? Hindi, hindi mangyayari iyon dahil kagrupo ko siya sa activity ni Mr. Brandon. Eh, meron kaya siyang kasabwat? Naku, hindi rin. Hindi naman niya iyon magagawa sa akin. Sino naman kaya?
Dahil sa tindi ng lungkot ko, minabuti ko na lamang umuwi. Pagkadating ko sa bahay, aba, himala! Wala pa si Maggie. Saan kaya iyon nagpunta? Tinanong ko siya kay inay ngunit ang sabi lamang niya ay hindi pa umuuwi si Maggie. Gabi na, wala pa rin siya. Nagsisimula na akong mag- alala. Hindi naman siya nagpapagabi at wala naman siyang pupuntahan, maliban na lang kung may ensayo sila ng choir. Pero wala sila ngayong praktis. Alam ko ang schedule niya. Ginamit ko ang aking detector phone, hinanap ko siya. Ngunit wala pa rin. Akala ko ay sira na ito dahil hindi ko siya makita dito sa mundo. Bigla kong naalanla ang aking Portal! Hindi kaya ini- activate niya ang kanyang invisibility ray at saka nagpunta sa Mars? Alam kong wala siya masyadong kaibigan ngunit bakit naman niya gagawin iyo? Hinanap ko ang aking blueprint ng proyekto. Gagawa ako ng panibagong Portal sa Mars. Nakalkal ko nang lahat ang aking gamit pero wala pa rin. Sinubukan ko sa kwarto ni Maggie. Nakita ko ito na nakalatag sa kanyang kama. Tama ang hinala ko, iyon pala ang dahilan kung bakit siya lagging may hinahanap sa aking kwarto.
Mabilis kong nagawa ang Portal. Pumunta na ako sa Mars dala ang aking detector phone. Nahanap ko kaagad si Maggie. Hindi siya nag-iisa. May kasama siyang mga alien at kinakausap niya ang mga ito. Nakita ako ni Maggie at nilapitan niya ako.
“Kuya, bakit ka nandito? Umalis ka na at iwan mo na ako,” sabi niya.
“Hindi ako aalis nang hindi ka kasama. Bakit mo ito ginawa? Alam mo bang alalang- alala ako sa iyo?” ang sagot ko sa kanya.
“Gusto kong mapag- isa. Hinidi mo ba iyon naiintindihan? Wala na akong kaibigan sa mundo kaya dito na lamang ako. Salamat nga pala sa Portal mo.”
“Sana pala, hindi ko na lang iyon ginawa. Anko ang may kasalanan ng lahat.”
“Hindi kuya! Ako rin naman ang may gusto nito kaya umalis ka na dito! Kailangan ka nila doon at wala namang nangangailangan sa akin. Tama na lamang ang planetang ito sa mga walang kwenta! Wala na kayong pakialam sa akin!”
“Kung sila ay walang pakialam sa iyo, pwes, ako meron. Nang napagtanto ko na wala ka sa mundo, gumawa kaagad ako ng isa pang Portal. Kapatid kita kaya hindi naman puwedeng basta- basta na lang kita iiwan dito. Sumama ka na sa akin pauwi. Hindi ka habambuhay na nandito. Magkakaroon ka rin ng mga kaibigan. Subukan mo lang. Sige na Maggie.”
“Talaga kuya?” biglang nanliwanag ang kanyang mga mata nang narinig niya ang mga katagang binitawan ko sa kanya.
“Oo, Maggie”
“Kung gayon, pumapayag na ako kuya. Salamat sa iyo”
“Salamat din Maggie.”
Ngunit nang hahawakan ko na sa kamay si Maggie, pinigilan ako ng mga alien. Tumakbo kami papunta sa malapit na Portal at buti na lamang ay hindi nila kami naabutan. Bumagsak kami sa Dizon High at lumipad na lamang pauwi sa bahay.
Simula noon, hindi na nag- iisa si Maggie. Masayahin na siya at parating may ngiti sa mukha. Masaya ako para sa kanya dahil nabago ko ang aking minamahal na kapatid.